Wood Plaque - BelievePag-ibig parang laro sinimulan ng dalawa,
sasalihan ng iba,
at minsan taya ka pa!
Hahanapin at hahabulin mo...
Pero paano kung ang hinahabol mo
nakahanap na ng bagong kalaro?
Itataya mo pa rin ba ang puso mo?





Minsan gusto nating sabihin na masaya tayo...
pero anumang pilit nating magsaya,
hahanapin pa rin natin ang isang tao na nagpapasaya sa atin...
Ewan ko kung sino sayo...
sa akin kasi...ikaw lang.






Di man ako yung taong nauna sa puso mo
o yung taong mas higit na nagpasaya sayo,
pero gusto ko tandaan mo,
ako naman yung taong mas higit na nagpapahalaga sayo
at walang sino man ang makapagbabago.





Mahirap para sa akin di ka makita,
mahirap para sa akin di ka makasama,
mahirap para sa akin ang iwan ka,
pero...mas mahirap para sa akin ang pabayaan mo ako sa iba,
kahit alam mo na sa iyo ako mas sasaya...

0 Comments:

Post a Comment